ALONE

Sapul na sapul mga bes.

Mahirap. Mahirap na sa bawat taon na lumilipas iba’t ibang tao ang nakakasama mo. Mahirap lalo na kung katulad mo ako na hindi marunong makihalubilo agad sa mga taong hindi mo naman nakasanayan kasama. Noon pa man ganoon na ako. Kung saan o kanino ako kumportable, sila at sila na lang ang kasama ko.

Kaya ngayon nahihirapan ako. Pakiramdam ko ako na lang mag isa. Graduate na yung mga tinuturing kong kaibigan (LIPS). Mahirap din pala kapag kayo kayo lang lagi magkakasama sa loob ng apat na taon. Tawanan, iyakan, tampuhan. Tapos sa isang iglap lang ikaw na lang naiwan mag isa.

Minsan hindi ko na alam kung may kaibigan pa ba ako. Kung hindi ba ako mabuting kaibigan kaya lagi na lang ako naiiwan.

Ang lungkot. Wala na akong natatawag sa “best friend”. O ganito lang talaga kasi hindi naman na kami mga elementary at high school para sa best friend best friend na yan. Pero hindi ba dapat ngayon mo na malalaman kung sino lang talaga ang totoo mong kaibigan dahil nasa tamang edad na kayo at alam niyo na kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa’yo. Bakit ako? Wala bang nagmamalasakit sa akin? Ako at ako na lang ba lagi? O baka naman hindi ko lang sila napapansin dahil ibang tao ang ineexpect kong gagawa sa akin nun.

Ngayon pinagsisiksikan ko na sarili ko sa mga kaklase ko para lang di ko maramdaman na mag isa na lang talaga ako. Makibagay kumbaga. Pero ang hirap pa rin kasi siyempre may sari-sarili din naman silang grupo. *sigh*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s