A Letter to Macgyver

My dearest,

It’s been a year since you left us. Sa tuwing naaalala kita ganun pa rin ang nararamdaman ko, sobrang lungkot. Naiiyak pa rin ako.

Naaalala ko pa ‘yung araw na ‘yun, excited pa naman akong umuwi kasi papakainin pa kita. Pagkapasok ko sa gate dumiretso ako sa bahay niyo para icheck ka. Nung nakita kong wala ka na dun sa kama mo, tinanong ko agad sila kung nasaan ka. Ang nasa isip ko na isasagot nila, nasa ospital ka lang. Pero iba ang narinig ko, “Nak, nasa Dalluay na si Tatay”. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi nila. Ayaw magsink in sa utak ko ang narinig ko. Hindi ko na alam. Basta. Umakyat na lang ako sa bahay, inisip ang sinabi nila. I even asked myself, “Ano daw? Nasaan daw si Tatay? Sa Dalluay? Eh diba . . .?” And boom, I melted.

Kung alam ko lang . . Kung alam ko lang na makakatulog ka ng mahimbing nung binasahan kita ng Law, hindi na sana ako tumabi sa’yo nun. Hayy. Wala pala talagang nakakaligtas sa Law, para bang isang Lullaby na pinapatulog ang lahat. Hindi mo man hinintay na makauwi ako nun bago ka natulog. . Kung alam ko lang hindi na sana ako pumasok.

Hindi ko pa rin matanggap na iniwan mo kami agad. Ang dami pang dapat mangyari na dapat nandito ka para masaksihan mo. Hindi pa ako graduate oh. Paano na ‘yun? Hindi mo na malalagay ‘yung graduation picture ko dun sa mga frame sa sala n’yo. Ang daya mo naman eh. Tsaka magiging CPA pa ko oh. Hindi mo man hinintay ‘yun. Wala na proud Lolo na magsasabing, “Yung apo ko CPA na.” Hayyy.

Wala na rin ‘yung no. 1 fan ko sa mga experiment na niluluto ko lalo na ‘yung puto ko. Ikaw laging tiga tikim nun para sabihin kung masarap ba o hindi, kung matamis ba o hindi, kung okay lang ba ‘yung lambot. Paano na ngayon yan? Marunong na ako magbake, kaso wala ka na. Hindi mo na matitikman ‘yung bake puto ko.

Wala nang tatawag sa akin ng “Nini” na malambing. Wala nang tatawag sa akin kapag may magpapaload tuwing nasa palengke si nanay tapos sasabihin na hati tayo sa kita. Wala nang magtatanong sa akin kung may kapalit bang ice cream kapag naglalaba ako. Wala nang tatawag sa amin tuwing 6pm para magdinner na. Wala nang maghahain sa amin ng iba’t ibang klase ng ulam tulad ng dilis na sasabawan at scrambled egg na may hotdog. Wala nang magagalit kapag maghapon kaming nanunuod sa tv niyo. Wala nang magluluto ng papaitan ng tulad ng iyo. Wala nang gagawa ng masarp na sisig. Wala nang magsasabi ng pagkain ng rabbit ‘yung buttered vegetable. Wala nang aakyat sa bahay o tatawag sa akin para magpa.inject ka ng insulin. Wala nang magpapapatak sa mata. Wala nang magagalit kapag masyado kaming magulo. Wala nang unang sasayaw tuwing christmas party natin. Wala na kaming kaagaw sa chocolates. Wala nang magagalit kapag kaunti lang kinakain namin. Wala na . . Wala ka na.

I’m thankful and blessed because at least I/we experienced to have a Lolo like you. Though sometimes KJ ka sa mga bagay bagay, I know na may rason ka kaya ganun ang mga desisyon mo. Minsan nakakainis pero keri lang, angal pa ba kami? Takot lang namin sa’yo.

Thankful ako kasi naging Lolo ka namin. Nakakatouch din kayang maging apo mo. Super proud Lolo ka kasi. Talagang pinagmamalaki mo kung ano man ang mga achievements namin. Super supportiveka din sa mga events sa buhay namin. Isipin mo nung debut ko, effort ka din para ayusin ung labas para maging maganda, tapos plano dito plano doon kung ano dapat gawin para maging maluwag ‘yung venue. Then when someone offered their house para maging venue ng celebration ng birthday ko, sabi mo huwag na kasi ganto ganyan. Kesho malayo, hindi alam ng mga friends ko doon, hassle sa pagdadala ng pagkain. Gets kita nun, syempre first apo na magdedebut e alangan hindi ganapin sa mansyon mo diba kaya agree na lang ako sa lahat ng sinabi mo. 🙂

Tapos kapag may mga projects kami, go go go ka din sa paggawa. Pukpok dito, lagari doon. Sukat dito, drawing doon. Partida natutunan mo lang ‘yun sa lahat ng experience mo, what if nakapagtapos ka pa diba? The best. Kaya nga tinawag kang “Macgyver” kasi nagagawa mo ang lahat from the scratch.

So ‘yun, one year ka nang wala sa amin. Alam kong masaya ka na diyan. Nawala na ‘yung mga sakit mo. Nawala na ‘yung mga paghihirap mo. See you soon ‘Tay, but not so soon ha. 😉 We miss you and we love you. *pabebe salute*

Love,

Nini

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s